Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Go tinukuran ng NPC na mga media isama sa bakuna priority list

0 38

Suportado ng National Press Club (NPC) ang panawagan ni Senator Bong Go na isama ang mga media sa listahan ng mga prayoridad sa pagbabakuna ng COVID 19 sakaling available na ito sa bansa.

“Indeed, the recognition by Sen. Bong Go of the important role of the media in society and the sacrifices and contributions they are making in this period of pandemic should not be overlooked by the national government,”pahayag ni NPC president, Paul M. Gutierrez.

Kaugnay nito, tiniyak ni Gutierrez na handang immobilize at ialerto ng NPC ang 20 affiliate local media organizations sa buong bansa para maging handa kaugnay sa panukalang ito ni Go.

Ayon pa kay Gutierrez, handa umano ang NPC na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para ma-facilitate ang pagbabakuna sa mga miyembro nito sakaling available na ang bakuna.

“We also encourage the public to put their faith in the safety and efficacy of the vaccines being procured by the government on everybody’s behalf; inoculation is the best way for the entire country to swiftly recover from the devastations and dislocations that COVID-19 has caused to our economy and in our daily lives,” pahayag pa ni Gutierrez. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.