Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Go: Trillanes hari ng fake news!

0 237

RP

Pinitik ni Senador Bong Go ang dating mambabatas na si Antonio Trillanes IV matapos idawit muli ang kanyang pangalan sa multi-billion frigate deal sa Philippine Navy.

Sa serye ng tweet ni Go, tinawag niyang ‘hari ng fake news’ si Trillanes, at muling giniit na siya ang mukha sa likod ni ‘Bikoy’, na nagdamay sa mga malapit kay Pangulong Duterte sa iligal na droga.

Binalikan din ni Go na si Trillanes umano ang dahilan kung bakit siya tumakbong senador.

“Nagsawa na ang tao sa madumi mong style na puro black propaganda kaya bumoto sila ng mga bago na tunay na magseserbisyo sa bayan,” giit ni Go.

“Mismong Senado na kinabibilangan mo noon ang nagsabing wala akong kinalaman sa anomalyang sinasabi mo at pawang kasinungalingan at fake news lang yang mga paratang mo,” aniya pa.

Hinamon din ni Go si Trillanes na magharap sila sa Senado kung makabalik ang huli sa pwesto, at sabay umano nilang imbestigahan ang pinupukol na isyu sa dating special assistant ng Pangulo.

Samantala, nag-trending sa Twitter ang #T*ng*naMoBongGo matapos na ipa-subpoena ng senador sa National Bureau of Investigation ang isang college student dahil sa isang social media post.

Leave A Reply

Your email address will not be published.