Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Go windang sa pag-atras ni Inday Sara

0 186

Maaaring magkaroon ng pagbabago sa plano sa politika sa 2022 elections si Senador Christopher ‘Bong’ Go.

“Itong kandidatura ko bilang bise presidente, ay maaaring magbago. Hindi po maiiwasan na may mga changes po sa politika na sabi ko nga na napakadumi,” pahayag ni Go sa isang event sa Antipolo City kahapon.

Nagbanggit pa ito tungkol sa substitution o pagpapalit ng kandidato subalit hindi niya ito ipinaliwanag ng mabuti.

“Alam niyo itong problema about the substitution dito sa politika, maaaring may magbabago sa tatakbuhang position sa mga darating na araw. Ang problema po diyan, kailangan ko umiwas,” sabi ni Go.

“Gustuhin ko man magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng ating mahal na Pangulo, kailangan ko pong umiwas. Malalaman niyo po ‘yan sa mga darating na araw,” dagdag nito.

Ginawa ni Go ang pahayag sa araw na umatras si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang pagtakbo sa pagka-mayor ng lungsod.

Sa ilalim ng election rules, ang isang candidate ay maaaring palitan sa panahon ng substitution period basta’t ang kapalit ay kabilang din sa parehong political party.

Para sa 2022 elections, ang substation period ay hanggang Nobyembre 15, 2021. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.