Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong grabe ang paghahanda sa balik-TV

0 412

Nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa kanyang upcoming action-packed family drama series na ‘Agimat ng Agila’ na mapapanood na simula May 1.

Gagampanan ni Bong ang karakter ni Major Gabriel Labrador, ang magiting na pinuno ng Task Force Kalikasan na magiging bagong tagapagligtas laban sa kasamaan matapos mabiyayaan ng kapangyarihan ng ‘Agimat ng Agila.’

Kuwento ni Bong, matindi ang paghahanda niya para sa kanyang role. “Dahil halos five years akong hindi nakaharap sa camera, and the circumstances behind it, ang ginawa kong mental attitude is para akong nag-uumpisa ulit. Matindi kasi ‘yung parang ring rust ng fighters. Siyempre ayaw natin i-disappoint ang ating mga tagahanga at manonood na matagal naghintay na mapanood tayo ulit,” aniya.

Sumabak din daw sa physical training ang aktor para sa serye, “I physically trained for no less than three hours a day for months – weights; running; cardio; muay thai; boxing; at iba pang mixed martial arts. Nag re-train din ako sa weapons para lang bumalik ‘yung muscle memory.”

Samantala, makakasama ni Bong sa serye sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Edgar Allan Guzman, Miggs Cuaderno, at Ian Ignacio. May special participation din si Sheryl Cruz.
@@@
Lorna ‘binasura’ ng pekeng Presidente

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lalong mahihirapan si Lily (Lorna Tolentino) na tuparin ang pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas pagkatapos siyang agawan ng kapangyarihan ni Renato (John Arcilla) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nauwi sa wala ang pagmamanipula ni Lily sa pekeng presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) dahil sa huli ay pinili nitong kumampi kay Renato, ang most wanted na kriminal sa bansa. Dahil sa kanilang kasunduan, naipabasura na rin ang mga kaso laban kay Renato at magsisilbi na itong lider ng bansa nang hindi nalalaman ng taumbayan..

Ngayong hawak na ni Renato ang kapangyarihan, lalaki lamang ang pwersa ng mga kalaban ni Cardo (Coco Martin) dahil kasosyo na rin niya sa trabaho si Lito (Richard Gutierrez).

Habang nagtatago naman si Cardo kasama ang bihag niyang si Lia (Jane De Leon), susubukin ng Task Force Agila na makalusot sa mga otoridad para hanapin at siguraduhing wala sa panganib ang kanilang lider.

Leave A Reply

Your email address will not be published.