Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong hinamon na tapatan si Coco

0 909

ROMMEL PLACENTE : Mahigit limang taon na sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin pero hataw pa rin ito sa rating. Hindi nagsasawa ang mga tao,lalo na ang mga bata sa panonood nito.Hitik naman kasi ito sa action scenes.Bukod pa sa maganda talaga ang istorya nito na umiikot sa pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ni Coco bilang si Cardo Dalisay sa mga masasamang loob.

Pero hindi lang ang FPJ’s Ang Probinsyano ang nag-iisang action serye ngayon sa telebisyon. Meron na ring ganitong tema ang GMA 7 na ‘Agimat Ng Agila.’ Bida rito si Sen.Bong Revilla,na napapanood tuwing Sabado ng gabi.Gaya ng serye ni Coco hitik din ito sa action scenes at may halong fantasy pa.Kaya patok din ito sa mga manonood.

Sa pilot episode nga nito ay mataas agad ang nakuha nitong rating. Sana lang, ang ginawa ng Kapuso network ay pinalabas ito gabi-gabi . Bongga rin kung itinapat sa serye ni Coco.Maganda sanang labanan ‘pag nagkataon sa rating. Di ba mga ka-Cuatros? Malalaman kung sino ang sino kina Coco at Sen Bong.

RODEL FERNANDO: Actually ‘yung FPJ’s Ang Probinsiyano at Agimat ng Agila ang matutunog at maiingay. ‘Yung show kasi ni Coco Martin ay hindi pa rin binibitiwan ng mga tao dahil sinusubaybayan naman talaga ito. In fairness, kahit wala na ang Channel 2 at nag-iba man ng network ang programa ay hindi ito iniiwan. Marahil, ayaw pahuli ang mga nanonood sa mga bagong kaganapan ng palabas. Ito namang mini-serye ni Sen Bong Revilla ay naging maganda ang feedback sa pag-uumpisa nito. Dahil sa tagal na ring hindi napapanood ang actor-politician ay marami ang nanabik sa kanya lalo na sa kanyang mga action scene. Idagdag pa na may market ang palabas para sa mga bata kaya nagki-click ito.

Sa mga serye namang Niña Niño at Huwag Kang Mangamba ay pareho yatang di maingay ang mga ito. Maski ako ay hindi ko napapanood ang mga naturang show. Hindi ko rin naririnig ang mga kapitbahay namin na pinag-uusapan ang mga ito.

MILDRED A. BACUD :In fairness naman sa Agimat ng Agila maganda. Di ba una sa atin ipinakita ang teaser nito ni Senator Bong Revilla. Hindi ko napigilan humanga kasi parang katulad ng kalidad ng mga pelikulang hinagawa niya kapag MMFF. Hands on din kasi sa production si Senator at may say talaga siya para mapaganda pa amg seryeng ito. Ganoon din naman si Coco na nakikiaalam talaga sa produksyon, sa mga artista at siya na nga ang direktor. Gusto kasi niya na maganda ang execution ng lahat ng eksena. Kahit pa may mga isyu na masyado siya pakialamero at mabusisi, okay lang sa kanya. Kaya naman kahit 5 years na Ang Probinsyano, nagagawa pa rin nilang patagalin ang kuwento na hindi nawawala ang mga makapigil hiningang eksena. Agree naman ako na sana nga pagtapatin ang dalawang malaking seryeng ito.

ROLDAN CASTRO: Maganda ang hamon niyong ‘yan mga ka-Cuatros na pagsabungin sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano at ‘Agimat ng Agila’.

Sana nga ay mangyari ‘yan bago tapusin ang serye ni Coco.

Dalawang Sabado ko nang tinutukan ang action serye ni Senator Bong, talaga namang nakakabitin. Hitik sa aksyon at pantasya.

Mabilis ang takbo ng istorya at nandoong patayin na ang asawa’t anak ni Major Gabriel Labrador (karakter ni Bong).

Hanep din ang location ng serye, cinematography, paglapat ng musika.

Magagaling din ang mga supporting ni Senator Bong lalo na sina Roi Vinzon,Elizabeth Oropesa, Allen Dizon, Benjie Paras at Ian Ignacio.

Hindi nagkamali ang GMA 7 na muling pabalikin at bigyan ng serye si Senator Bong!

Speaking of “Huwang Kang Mangamba” ka-Cuatros Rodel, marami rin ang nagagandahan sa serye. May mga nababasa rin akong magandang feedback sa show. Pag nasimulan mong panooron sigurado akong hindi mo na bibitawan.

Kakaiba ang role dito ni Sylvia Sanchez. Effective din ang husay nina Eula Valdes, Nonie Buncamino, RK Bagatsing, Allan Paule, Diether Ocampo, Enchong Dee at Dominic Ochoa.

At nag-uumpisa na ang kilig ng SethDrea at KyCine.

Pak na pak siya Rodel lalo’t nagbibigay ng aral, inspirasyon sa pakikipag-usap kay Bro.

‘Yun lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.