Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong kay Janine: ‘Wag lapastanganin ang nakakatanda

0 286

Nagsalita na si Sen. Bong Revilla tungkol sa pagkakadamay ng pangalan niya sa pag-alis ni Janine Gutierrez sa GMA-7. Ang tsika kasing lumalabas ay hindi ni-renew ang aktres dahil kinalaban niya ang Senador.

Matatandaan kasing nakapag-comment noong Disyembre, 2019 si Janine sa Twitter ng “oh God” tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Sen. Bong. Naging kontrobersyal ang komentong ito dahil siyempre ay hindi ito nagustuhan ng kampo ng aktor/politiko sa pangunguna ng talent manager niya na si Lolit Solis.

Muling nabuksan ang issue ngayon dahil nga sa balitang hindi umano ni-renew si Janine ng GMA-7 at hinihinala ngang dahil ito sa hindi magandang komento niya kay Sen. Bong.

Kahapon sa lunch get-together with the entertainment press, naitanong namin ito kay Sen. Bong at aniya ay may naririnig nga raw siya pero unfair naman daw sa kanya na idamay siya or sisihin siya sa paglipat ni Janine.

“Bakit (ako)? Ako pa? Walang masamang tinapay sa akin. In short, wala sa akin ‘yun kahit ano pa ang nangyari in the past, wala ‘yun. Wala akong kinalaman do’n.

“In fact, kung ako nga, kung sasabihing gagawa kami ng movie together, I’m very much willing to accept her as my leading lady. Pero kung hindi man, okay lang din,” he said.

SM food to go Banner Ad

Hindi raw niya alam kung anuman ang naging basehan ng GMA-7 kung totoo ngang hindi ni-renew si Janine.

“Basta ako, sa aming mga magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin mo, siyempre, sa showbusiness, mas senior ako sa kanila. Itong mga batang artista, dapat matuto rin silang rumespeto sa mga nakakatanda sa kanila, sa senior sa kanila. Huwag nilang lapastanganin ang mga nakakatanda sa kanila, hindi lang sa amin, hindi lang sa artista. Bilang respeto sa nakakaedad sa ‘yo, matuto ka ring rumespeto,” ang mensahe ni Sen. Bong.

Nilinaw rin naman ni Sen. Bong na wala siya talagang sama ng loob kay Janine at sa iba pang artista na nangba-bash sa kanya.

“I’m a very forgiving person. Pinatawad ko na ‘yung mga taong. . .siguro, hindi naman nila alam ang puno’t dulo niyan. Kung anuman ‘yung naririnig nila, ‘yun lang ang nakakarating sa kanila. But eventually, kund hindi man sila maliwanagan ngayon, time will come na maliliwanagan din sila. And I understand them. Naiintindihan ko kung ano ang hugot nila,” pahayag ni Sen. Bong.

Samantala, dahil nga sa showbiz siya nagsimula, kailanman ay hindi pwedeng talikuran ni Sen. Bong ang industriya na nagbigay ng pangalan sa kanya’t naging dahilan kung bakit niya narating ang kinalalagyan ngayon.

Kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob ay gumagawa pa rin siya ng proyekto from time to time. Sa ngayon ay natapos na niya ang bago niyang action-fantasy series sa GMA-7 na Agimat ng Agila at malapit na itong iere.

Kasama niya rito sina Sanya Lopez, Sheryl Cruz, Roi Vinzon, Benjie Paras, Michelle Dee at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.