Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong may paandar sa birthday

0 100

NI: ROLDAN CASTRO

Kagaya nu’ng nakaraang taon, sa halip na mag-celebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan, mamamahagi ng tulong at papremyo si Sen. Bong Revilla sa kanyang kaarawan.

Babalik sa Facebook Live ni Sen. Bong Revilla ang ‘Kap’s Agimat Birthday Giveaway’ na gaganapin sa mismong kaarawan niya sa Sabado, Setyembre 25 at Linggo, Setyembre 26.

Kagaya ng mga nakaraan niyang pa-‘Amazing Giveaway,” santambak na gadgets (laptop, cellphone at Ipad) ang ipamimigay, dagdag pa ang Kabuhayan package at cash prizes para maihatid ang tulong sa taumbayan saan mang sulok ng bansa.

Sa mga interesadong sumali, mag-fill out lang sa Google form link at isumite ito sa social media account ni Sen. Bong Revilla.

Kailangang mag-subscribe sa kanyang official You Tube Channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveaway.

Buksan lamang ang https://bit.ly/AGIMATBIRTHDAYGIVEAWAY para sa Google form link.

Leave A Reply

Your email address will not be published.