Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong nahirapan sa kulong kesa COVID

0 144

Tinanong si Senator Bong Revilla kung ano ang mas mahirap, ‘yung makulong o magkaroon ng sakit na COVID19?

“Totally different ‘yan. Mas mahaba ‘yung 4 years & 6 month (na nakulong),eh!’Yung COVID madali lang ito,e!,” bunga niya sa kanyang virtual presscon.

“Pinakamahirap pa rin ‘yung makulong ako.’Yung sakit ng katawan,alam mo ‘yung gulpi na inabot mo sa katawan kaya ko ‘yun,e! kaya ng pag-iisip ‘yan.Pero ‘yung mag-suffer ka ng 4 years & 6 months, lalo’t hindi mo naman ginawa at napulitika ka, napakasakit nu’n. ‘Yun ang hindi ko matanggap hanggang ngayon,” sambit pa niya.

Pero, ngayong September ay ipagdiriwang ni Bong ang kanyang kaarawan. Nationwide na ang kanyang selebrasyon dahil sa pandemya. Minabuti niyang mamahagi na lamang ng tablet sa mga mag-aaral sa halip na magsagawa pa ng malaking handaan.

Dahil sa umiiral na health protocol sa nararanasang pandemic ay hindi na nagsagawa ng salu-salo si Revilla pero hindi rin siya pumayag na hindi makapiling ang mga taong nais makisaya sa kaniyang pagdiriwang.

SM food to go Banner Ad

Inilunsad ni Revilla ang KAP program, ang KAALAMAN, ATING PALAWAKIN, upang magkakaroon ng Gadget Giveaway at kahit paano ay matulungan niya ang maraming nangangailangang mag-aaral.

Magbibigay siya ng 10-inch tablets na magagamit sa blended learning. Mayroong tablets para sa Luzon, para sa Visayas, para sa Mindanao, at para sa National Capital Region (NCR).

Nakatakda niyang ianunsiyo ngayong Linggo (Septyembre 20) kung sino ang mga pinalad na magkakaroon ng tablet.

Mariin ding ibinilin ni Revilla na sa mga hindi nakapagsumite ng entry ay sumubayabay na lamang umano sa ‘live’ dahil may mga karagdagang ipamimigay, sorpresa at marami pang kasiyahan.

“Kaya huwag malungkot sa mga hindi umabot dahil sa may pag-asa pa basta tutok lang at sana ay mabigyan natin ang mga mag-aaral na talagang nangangailangan dahil sila talaga ang inspirasyon ko sa kaarawan kong ito” pagwawakas pa ni Revilla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.