Abante Tonite Interactive

Bong naiyak sa video ng burol ni Baldo Marro

By
28

Hindi napigilan ni da­ting Sen. Bong Revilla na maluha nang ipinakita sa kanya ang video ng last night ng burol at pati ang paglibing sa kilalang fight instructor at aktor na rin na si Baldo Marro.

Inilibing si Mang Baldo kamakailan sa Angelus Memorial Garden sa Bacoor, Cavite. At mabigat sa loob ni Sen. Bong na hindi siya nakadalo sa libing o kahit dumalaw man lang sa burol dahil sa kalagayan niya ngayong naka-detain pa rin sa Custodial Center ng Camp Crame.

Ang isa pang ikinalungkot niya ay nu’ng nalaman niyang pinuntahan pa pala siya ni Mang Baldo nu’ng kaarawan niya last September 25, pero hindi ito pinapasok.

Abante Hiring – IT dep

Mas lalong naghigpit kasi ngayon sa Camp Crame, at hindi sila nagpapasok ng mga gustong dumalaw kung wala ito sa listahan.

Nu’ng birthday ni Sen. Bong ay kailangang magpalista ka ng maaga para makapasok ka.

Maaring hindi ito nalaman ni Mang Baldo, dahil nakakadalaw naman siya noon na hindi na kailangang magpalista.

Sa Facebook account na lang niya ipinahayag ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Mang Baldo.

Bahagi ng mensaheng ipinost niya sa kanyang FB account: “Ikinagulat ko ang big­laan mong paglisan Tatay Baldo. Parang kailan lang nandito ka pa at bumisita sa akin.

Malaking kawalan si Baldo sa industriya at mahihirapan nang mapunan ang iniwan niya sa kanyang larangan na buong husay niyang ginampanan sa loob ng napakaraming dekada.”

Sinariwa pa ni Sen. Bong ang mga pinagsamahan nila ni Mang Baldo na kung saan nagtiyaga raw nag-train sa kanya sa mga fight scenes, mula sa pagsuntok, pagsipa, pagtalon at pati ang tamang porma at projection sa camera, kapag may ginagawa itong fight scenes.

“Looking back, walang action star na Bong Revilla kung walang Baldo Marro,” sabi ni Bong.

Kris Aquino endorser ng columbarium

Sa St. Michael Parish Church sa BGC, Taguig kami nagsimba kahapon ng tanghali at habang hinihintay naming magsimula ang misa, paulit-ulit na pini-play ang video ni Kris Aquino na ini-endorse ang columbarium sa naturang simbahan.

Sabi niya, bumili raw siya ng vault doon sa Columbarium ng St. Michael Parish church sa BGC bilang suporta raw sa fund-raising project ng bestfriend niyang si Fr. Betbet Rabonza na parish priest doon.

Sabi pa ni Kris, ayaw daw niyang maging alalahanin pa ng pamilya niya kung saan siya ililibing kung sakaling pumanaw na siya.

Ayaw daw niyang alalahin pa rin ng pamil­ya niya ang pag-asikaso ng mausoleum na pagla­lagakan niya.

Simple lang naman daw ang gusto niya, ang mahalaga raw ay sa langit siya mapupunta.