Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong nangiinig sa halikan kay Sanya

0 365

Ipinagmamalaki ni Sen. Bong Revilla ang fantasy-action serye niya sa GMA-7 na Agimat ng Agila na ieere na ngayong Marso. Aniya, talaga raw sobrang ginastusan nang husto ng network, hindi tinipid at parang pelikula ang pagkakagawa.

Ito ang first acting project ni Sen. Bong matapos ang maraming taon kaya naman talaga ring pinahandaaan niya ito lalo pa nga’t karamihan sa ma co-stars niya ay mas bata sa kanya.

“Siyempre, a lot of preparation. Kailangan ensayo ka parati. I work out, kung kaya ko every day, I do it every day. Kailangan talaga, fit na fit dahil siyempre, mga kasama mo, mga bata, eh,” ani Sen. Bong sa interview ng PMPC (Philippine Movie Press Club) officers sa ginanap na oath-taking kahapon kung saan ay ang aktor/politiko ang nagsilbing inducting officer.

Aminado naman si Sen. Bong na talagang nanibago rin siya at first since ang tagal na nga niyang hindi nakakaarte. Pero aniya, “mas malalim ang hugot ko ngayon dahil siyempre, sa mga nangyari sa buhay ko.”

Sa nasabing serye ay isa sa leading ladies ni Sen. Bong si Sanya Lopez kaya naman nabiro siya kung nanginig ba ang aktres sa kissing scene nila.

“Actually, ako ang nanginig,” natatawa niyang sey. “Ako, ‘yung nailang, pero at least, okay naman.”
 Bakit siya nailang?

“Syempre, unang-una, mas bata siya sa akin. Pero she’s very professional. Wala siyang arte, walang kiyeme. Kaya sabi ko, malayo ang mararating nitong batang ito,” he said.

SM food to go Banner Ad

Papuri pa niya sa leading lady, “she’s a very good actress, sa tingin ko, ‘yan ang mga may future na magiging reyna.”
Ngayong Marso na eere ang Agimat ng Agila at natapos na nilang kunan ang isang buong season (13 episodes). Kasama rin sa serye sina Allen Dizon, Sheryl Cruz, Benjie Paras, Roi Vinzon at marami pang iba mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Pekeng Willie Revillame namalimos ng load

Nagbigay ng babala si Willie Revllame tungkol sa mga manlolokong nagpapanggap na siya at nanghihingi ng load. Ang nakakatawa pa nga, mismong ang TV host ang nakatanggap ng text ng scammer.

“Tinext pa ako, nanghihingi po ng 40 pesos, pang-load daw dahil birthday ko,” kwento ni Willie sa recent episode ng Wowowin.
“Hindi ho ako hihingi ng kahit ano sa inyo. Huwag kayong maniwala kung anuman ang hinihingi o ako raw ‘yan, hindi ho. Dito lang ho sa GMA-7, YouTube, Facebook, Twitter n’yo malalaman ang totoo,” dagdag niya.

“Diyos ko, pati ba naman 40 pesos hihingin ko pa sa inyo. Tinext ako, siya raw si Willie Revillame. Hello!!!” natatawa pa niyang sabi.

Anyway, dahil birthday month nga ni Willie ngayon (his natal day is on Jan. 27), malalaking premyo ang ibinibigay niya ngayon sa Wowowin. Tumataginting na P60,000.00 kada isang tawag ang kanyang ibinibigay since 60th birthday na niya ito.
“Dahil 60 years old na tayo, senior citizen na, bawat tawag ko, tigsi-60 thousand!” pangako niya.

At dahil 60 na raw siya, maga-apply na siya ng senior citizen card para may 20% discount na raw siya sa mga restaurants, drug stores at iba pa.

Sinabi rin niyang walang magaganap na party sa kanyang kaarawan dahil nga sa pandemya at mas gugustuhin na lang niyang magbigay ng tulong kaysa magpa-party.

Leave A Reply

Your email address will not be published.