Abante Tonite Interactive

Bong napagod sa apat na taong pagkakakulong

By
3,746

Ramdam na ramdam namin ang lungkot kay former Senator Bong Revilla sa larawan na ipinost niya sa kanyang Facebook account kahapon.

Nakakaiyak din ang caption niya at alam mong galing talaga sa puso niya.

Ipinahayag niya na apat na taon na siya sa kulungan at ang dami nang na-miss na milestones ng kanyang mga anak at alam niyang hindi na niya puwedeng balikan ang mga panahong ito.

Abante Hiring – IT dep

“Today is exactly my 4th year in prison.

“This is 4 years away from my family; mis­sing out on the milestones of my children’s lives; 4 long years that I can no longer get back.

“May mga panahon na dumating sa akin na talagang gusto ko na sumuko. Pagod na rin po ako. Pagod na pagod na… Ganunpaman, higit akong kumukuha ng lakas ng loob sa inyo at ibayong tiwala sa Panginoon na matatapos na rin naman lahat nito.

“Dalangin ko pa rin ang katarungan. Dasal ko pa rin na mangi­babaw na ang katotohanan. Hangad ko na sana, sa wakas, makamit ko ang hustisya.

“Let us all continue to pray together! God is good!” ang buong nilalaman ng caption ni Bong.

Marami naman ang nagpahayag ng suporta at prayers for the former Senator sa comments section at nagbigay ng lakas ng loob sa kanya.

May isa ring komento na napaka-touching mula sa isang cancer patient.

“Magkaiba lng ang ating sitwasyon, senator. Ikaw ay nakapiit; ako nman ay may cancer (thoracic). Daig ko pa ang iyong kalagayan dahil nasa laya man ay hindi ko nman maenjoy ang buhay dahil sa ganito. Ipagdasal natin sir ang bawat isa na nawa’y pareho na tayong makaligtas. At sana makita ko kau agad sa inyong paglaya. Ingat po,” ang komento ng isang netizen na for sure ay makakadagdag ng napakalaking encoura­ge ni Bong.

Isa rin kami sa naghahangad na sana’y mapayagan nang magpiyansa si Sen. Bong habang dinidinig ang kaso.
***

Jolo todo iwas sa breakup nila ni Jodi

Speaking of Sen. Bong, last Tuesday ay natiyempong nakita namin ang anak niyang si Cavite Vice Governor na si Jolo Revilla sa harap ng isang photo studio sa Tomas Morato, QC.

Binati niya kami and told us na may photo shoot siya para sa comeback movie niya at ng Imus Productions.

Siyempre, sinamantala na naming tanu­ngin si Jolo tungkol sa talk of the town na breakup nila ni Jodi Sta. Maria pero natatawang umiling agad sa amin ang aktor/politiko.

Aniya ay hindi pa raw panahon para pag-usapan ito at panay ang pag-iwas sa tanong.

Nang tanungin namin kung happy ba naman siya nga­yon, “yes, happy ako sa work ko,” sagot niya.

Kahit anong pilit ayaw talagang magsalita ni Jolo pero siyempre, kapag ganito na kasi ang sagot ng isang artista, you can easily tell na totoo nga ang mga rumor.

Madali naman kasing i-deny ang tsismis at sabihing hindi totoong break na sila, tapos ang issue. The fact na ayaw magsalita, ibig sabihin, may katotohanan na hindi pa dapat sabihin.