Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong pinatay sa Facebook

0 248

Marami ang nag-alala sa kalagayan ni Senator Bong Revilla na tinamaan ng COVID-19.

Post ng katotong Wendell Alvarez sa kanyang Facebook account ,”May kumakalat sa Social Media .How True Sen. Bong Jr. Revilla Namaalam na!!!Sana Fake News lang…”

Biktima na rin ng maling balita si Sen. Bong .
Pero, may update ang kanyang misis na si Mayor Lani Mercado.
Mababasa sa FB account ni Lani: “Salamat po sa lahat ng inyong mga dasal. Bumubuti ang lagay ng aking asawa. He still has pneumonia. He occasionally coughs when he talks and still needs to rest.Please continue to pray for him. He still has to continue taking his meds and antibiotics.Thanks to all of his doctors and nurses. Tuloy pa rin ang Laban natin.We ❤️you Papa!!!”

Pak!

Catriona, Shaina type jowain ni Aljur

Pasabog ang vlog ni Aljur Abrenica dahil nag-online game sila ni Kylie Padilla . Ito ‘yung ‘jojowain o totropahin.’

Kung single pa sila sino sa mga sikat na tao ang gusto nilang makarelasyon?

Buong ningning na sinabi ni Kylie na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

Kay Aljur naman ay jojowain niya sina Catriona Gray at Shaina Magdayao.

Talbog!

Xian, Kylie, Alex #1 trending sa Netflix

Nagpipista ngayon ang tatlong bida sa pelikulang “Love The Way U Lie” dahil number 1 trending sila sa Netflix.

Post ni Xian Lim, “This is really amazing guys! Thank you for allowing Nathan, Sarah and Stacey to touch your hearts! Malaking pasasalamat sa lahat ng staff involved sa pag buo ng pelikula. Swipe for our last shooting day picture!!! Salamat rekdi @rcrdelosreyes for the trust! Galing mo pramis. Iba talaga pag 30 years in the industry! Haha…Our DOP @llcoolljm is just on firreeee!!! Looking forward to working with you in the future maaayn! Congrats @dannomariquit for a very heartfelt screenplay!❤️❤️❤️ congrats @cathygonzaga @kylieverzosa and to everyone involved sa project na ito! Excited lang talaga kami sa project na ito and we’re so happy sa outcome at feedback ng mga tao.”

Sey naman ni @kylieverzosa, “After yesterday’s premier, today we are #1 on Netflix Philippines!!! Thank you so much guys! ? Congratulations kay Direk @rcrdelosreyes, Alex, Xian, @llcoolljm, @ten17p, @tincanfilmsph and @vivaartistsagency! Thank you for watching Stacey, Nathan and Sara! Napanood niyo na ba?”

Tuwang-tuwa rin si Alex na maraming nanood sa Netflix sa movie nila

@cathygonzaga, “Praise God!!! After debuting yesterday we are now #1 trending on Netflix PH today!!! Napakasaya ng puso namin at ibinigay nyo po ang 1hr30mins ng inyong oras para manood sa amin!! Congrats to the whole team lalo na kay Direk RC and of course kay Sarah and Nathan ng buhay ni Stacey! “

Napanood na namin ang pelikula at wala naman kaming ini-expect na pang-award ito. Sakto na sa amin ‘yung maaliw, kiligin sa gitna ng pandemya. Tama ‘yung desisyon nila na ipalabas na ito kesa ilaban pa sa MMFF.

At least may bagong Pinoy movie na diretso na sa Netflix at hindi na ipinalabas na sa mga sinehan.

Whew!

Leave A Reply

Your email address will not be published.