Abante Tonite Interactive

Bong pinoprotesta sa serye ni Alden

256

Ni: Vinia Vivar

Trending kahapon sa Twitter Philippines ang hashtag na “no to Bong Revilla on The Gift” dahil na rin sa balitang magge-guest daw ang action star/politiko sa nasabing serye na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Sa malas ay ayaw ng mga netizen ang nasabing ideya at nagpahayag na hindi nila susuportahan ang “The Gift” kung matutuloy nga ang pagpasok ni Sen. Bong.

Of course, ang galit ng netizens ay nag-ugat pa rin sa naging kaso ni Sen. Bong na plunder na as we all know ay naklaro na at “not guilty” nga ang hatol sa Senador.

Na kahit nga hindi pa lumalabas ang verdict ay nakulong na siya ng 4 na taon at pinagdusahan na niya. Bagama’t hindi pa napapatunayan kung talagang may kasalanan siya.

Sa apat na taon nga na ‘yun ay katakot-takot nang panghuhusga ang naranasan ng Senador na tiniis niyang lahat. At hanggang ngayon na napatunayan nang wala siyang kasalanan, patuloy pa rin ang panghuhusga sa kanya.

Samantala, sa ikatatahimik ng mga nagwawalang netizen, wala pong katotohanan na papasok si Sen. Bong sa “The Gift”, ayon mismo sa program manager na si Helen Sese.

Sey pa ni Miss Helen, hindi nga raw niya alam kung saan galing ang info na ‘yun.