Abante Tonite Interactive

Bong Revilla bet ng mga Waray

297

Nagpahayag ng buong suporta ang 24 na incumbent mayor, dalawang congressman at ang mismong gobernador nang magtungo kahapon si Sen. Bong ­Revilla sa Catarman, Northern Samar kung saan prominente ang mga Waray.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga tao na sabik na sabik sa pagdating ni Revilla bilang bahagi ng campaign caravan ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP).

Matapos ang nasabing pagtitipon ay nagsagawa ng motorcade si Revilla upang pagbigyan ang ­hiling ng mga nagsisigawang tao na nais na makakuha ng larawan, makayakap at mahalikan ang dating ­senador.

Abante Hiring – IT dep

Kasunod nito ay nagkaroon ng pagtitipon kung saan ay inihayag ni Catarman Governor Jun Ong na kanilang susuportahan sa darating na eleksyon si ­Revilla para manalong Senador.

Inendorso din nina Cong. Raul Daza, Cong. ­Edwin Ong at 24 pang incumbent mayor ang pagtakbo ni Revilla kasabay ng mga pangakong lahat sila ay magsasama-sama para ibigay ang buong suporta sa kandidatura ng nagbabalik na Senador.

Hindi naman mapawi ang ngiti ni Revilla dahil sa pagdedeklara ng suporta ng buong lalawigan kasabay ng pangakong hindi niya pababayaan ang Catarman sakaling mabalik siya sa Senado. (JC Cahinhinan)