Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Revilla kakalusin mga basher

0 68

Pananagutin ni Senador Ramon `Bong’ Revilla Jr. ang kanyang mga basher at iyong mga nagpapakalat ng fake news na patay na siya.

Inamin ng senador na nasaktan siya sa mga basher na gusto na umano siyang mamatay matapos na magkasakit dahil sa COVID-19.

Agosto 9 inihayag ni Revilla sa publiko na nagpositibo siya sa COVID-19. Isinugod ang senador sa ospital noong Agosto 18 matapos na magkaroon ng pneumonia subalit pinauwi na rin matapos ang isang linggo.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling sa kanilang bahay ang senador.

“Parang mali `pag in-ignore mo, sa tingin ko i-head on mo na. Sa ngayon nagga-gather na ako ng mga ebidensya sa kanila, kinausap ko na rin ang PNP (Philippine National Police) at NBI (National Bureau of Investigation),” wika ng senador sa isang radio interview.

Sinabi pa ni Revilla na naghain na umano si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ng panukalang batas na magpaparusa sa mga nagpapakalat ng fake news.

“Ayoko sabihin ng mga tao na ginagamit ko ito para sa sarili ko, kumukuha lang ako ng timing kung sumosobra na naman, open ang social media, pero `pag sumosobra na sa tingin ko dapat nating taasan na ang parusa sa cyberbullying. Sa tingin ko malapit na kukuha lang ng buwelo, alam ko `pag binuksan ko ito katakot-takot na bash na naman ang aabutin ko,” dagdag ni Revilla. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.