Abante Tonite Interactive

Bong Revilla No. 5 na sa Pulse Asia

394

Inokupa ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang ika-5 puwesto sa final pre-election survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa noong Mayo 3-6, nakakuha si Revilla ng 39.5% mula sa 1,800 respondents ng survey sa buong kapuluan.

Malaking improvement ito kumpara sa pang-7 niyang puwesto sa April 10-14 survey ng Pulse Asia.

Naniniwala si Revilla na marami pa rin ang sumusuporta sa kanya sa kabila ng pagdungis ng kanyang pangalan ng nagdaang administrasyon.

Maaaring naging patok din umano sa masa ang campaign ads nito kung saan nagsasayaw siya sa tugtog na ‘Budots.’

“Ipinapakita ko dito na number 16 ako sa balota,” paliwanag ni Revilla sa panayam ng Tonite.

Sa huling araw ng kampanya nitong Sabado, nag-ikot si Revilla sa kanyang balwarte sa Bacoor, Cavite dakong umaga at kinahapunan ay tumungo naman ng Rizal.

“Nakakapagod pero masaya ako sa dami ng sumusuporta sa akin,” saad pa ni Revilla.