Abante Tonite Interactive

Bong Revilla, pinatay sa social media

By
Bong Revilla
14

AS of press time, hinihintay na ang clearance ng isang doktor para makalabas na ng hospital si Sen. Bong Revilla dahil okay na ang lahat na tests sa kanya.

Naglabas na ng medical bulletin ang kanyang kampo at puwede na siyang lumabas kahapon.

Okay na ang pakiramdam ni Sen. Bong pero baka may therapy pa siya.

Hindi na sila nagulat sa mga nagkalat ng hoax sa social media na patay na ang dating senador.

Nilinaw nila ito, at nag­labas sila ng medical ­bulletin.

Buo ang suporta ng pamilya kay Sen. Bong na nagbabantay sa kanya sa hospital.

Pati sa social media ay nagpo-post sila ng mensahe para sa dating senador. Pinutakti ng mga komento ang posts nila na magpagaling na ito.

Isa sa naaliw kami ay ang ipinost ng isang anak niyang si Gianna Revilla na litrato ng Papa niyang naka-topless at hunk na hunk ang dating.

Nasa caption nito, “You will have a strong comeback, Dad. I love you!”

Matagal nang pictorial ‘yun nung buff na buff pa ang katawan ni Sen. Bong.

Pero sa totoo lang, lalo siyang na-challenge dahil gusto niya talagang mabalik sa ganu’ng ganda ng katawan.

Kaya kailangan na niyang magpagaling para makapag-ensayo at mabalik sa dati ang ganu’n kagandang katawan.

Iyun ang target niyang mabalik ang ganda ng katawan para sakaling makalabas siya ng Camp Crame at mapagbigyang makapagpiyansa man lang, gusto n’yang ma­ging fit na fit para puwede siyang makabalik sa paggawa ng pelikula.

Ramdam namin sa kanya na wala na siyang balak na bumalik sa pulitika. Mas gusto niyang balikan ang showbiz dahil iyun ang first love niya.

“Business is back, tourism is thriving!”’– Tacloban mayor

Cristina Gonzales
Cristina Gonzales

Maayos ang paggunita sa Yolanda na nanalanta sa Tacloban City tatlong taon na ang nakaraan.

Gustong mapabilis ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagbabago sa Tac­loban, pero proud na ang bagong alkalde ng Tacloban dahil malaki na raw ang nabago sa Tacloban at nakabangon na raw ito.

Ani Tacloban Mayor­ Cristina Gonzales-­Romualdez, “We’re very happy na right now, you know, business is back, tourism is thriving. I would say we’re progressive as a city.

“We used to have 40 hotels before Yolanda, now we have 63 hotels.

“But of course we have a lot to do in terms of rebuilding and moving the people who have lost their homes, and even the people who are living in the danger areas, to move them sa safe areas sa kanilang resettlement.”

Sa susunod na buwan ay nangako si Pres. Duterte na babalik siya ng Tacloban para makita niya kung nailipat na ang lahat na ng bahay sa mga naka-survive ng Yolanda at kung maayos na ang facilities lalo na ang tubig at kuryente.