Abante Tonite Interactive

Bong Revilla pineke ang pirma

5,274

Nakunan ng dating reporter na si Portia Ilagan na ngayon ay staff na ng mga Revilla’s ang pagluha ni former Sen. Bong Revilla and wife, Bacoor Mayor Lani Mercado sa hearing na ginanap last Thursday, June 28 kaugnay ng kasong plunder.

Ipinost sa Facebook account ni Portia ang pangyayari sa hearing kung saan ay bumaligtad na raw ang witness na si Marina Sula.

“TEARS OF JOY when the whistleblower-hostile witness MARINA SULA said: “Opo, nakita ko mismo na si Benhur Luy ang pumirma sa mga endorsement letters na ginawa rin nila para sa mga NGO’s ni Mam Janet… simula pa noong 2005-2010. . .

“Lahat ng 5 dokumentong ito (pinapili sya ng mga dokumentong pinir­mahan ng RAMON BONG REVILLA, Jr. na Hindi PIRMA ng dating Senator) ay nakita ko na si Benhur Luy ang pumirma…

“Ngayon ko lang sinabi ito, kasi ngayon lang naman tinanong sa akin…Kaya naluluha ako ngayon kasi nailabas ko na ang katotohanang ito na kinimkim ko ng ilang taon…” ~ Marina SULA

“THE TRUTH IS OUT! FREEDOM for Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.!” ang nakasaad sa post ni Portia.

Nag-post din ang anak ni Bong na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ng official press release ng ama kaugnay ng life-changing moment na ‘yun.

‘VINDICATION’ ang bungad ng press release na ipinost ni Jolo.

“Naiiyak at natutuwa po ako nang sabay.” This was all former Senator Ramon Bong Revilla, Jr. could say after hearing the testimony of Marina Sula, a whistleblower in the Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam who took the witness stand in his hearing today.
“According to Sula, it was standard operating procedure for Benhur Luy to sign the names of lawmakers in the endorsement letter which were also prepared in their office, and was in fact he who signed in the name of Revilla. She added that she perso­nally saw Luy sign the documents without the knowledge of Revilla.

“When pressed as to why she made these revelations only now, “Sinabihan po ako ng panel na mag-corroborate lang daw ako sa testimony ni Benhur Luy dahil kung hindi masisira ang kaso. Kahit na marami po siyang mga sinabi na hindi totoo,” Sula testified. “… Si Director Toribio ng panel ni Revilla sa Ombudsman… tinuturuan po niya ako kung paano sumagot,” she stressed.
“Obviously emotionally affected, Sula continued to impress upon the Court what she went through, “Ngayon lang po ako na­bigyan ng pagkakataon na masabi ang nalalaman ko.” “Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“After four years, four long years, this. Today’s re­velations only confirm what I have known from the beginning – that I was targe­ted,” Revilla told reporters.

“Revilla’s lawyers are now contemplating as­king the Court to exclude Benhur Luy from the Witness Protection Program and revoke his immunity,” ang kabuuan ng post ni Jolo.

Halatang masayang-masaya rin si Jolo sa pangyayari dahil sunod-sunod ang kanyang tweets simula pa noong Huwebes.

“We can already see the light at the end of the tunnel,” tweet ni Jolo na may hashtag na #thankyouLord.

Isa pang tweet niya, “Walang suliranin ang hindi kayang tunawin ng panalangin. Dahil sa ating sama-samang pagdarasal, lumalabas na ang katotohanan! #LabanParaSaKatotohanan.”

***
True story pala ang foreign film na Adrift released by Viva International at kasalukuyang ipinapalabas na sa bansa since Wednesday, June 27. Istorya ito ng magkasintahang sina Tami Oldham Ashcraft at Richard Sharp na na­ging biktima ng Hurricane Raymond, isa sa pinakamapinsalang bagyo na naitala sa kasaysayan ng mundo.

Naglalayag sa dagat ang magkasintahan nang big­lang makasalubong nila ang Hurricane Raymond. Nang magkamalay si Tami, sirang-sira na ang kanilang bangka at hindi niya makita si Richard.

Sinubukan niyang magradyo para humingi ng tulong, at sa kabila ng ma­tinding takot, nagawa niyang ayusin ang anumang makakaya sa sirang bangka.

Walang anumang tulong na maaasahan, kailangang si Tami mismo ang gumawa ng paraan para mailigtas ang sarili at ang lalaking pinakamamahal niya.

Si Tami ay ginagampanan ni Shailene Woodley (The Fault in our Stars/Divergent), at si Richard ay ginagampanan ni Sam Claflin (Me Before You/The Hunger Games).

Ginawa ang ‘Adrift’ sa loob ng 49 na araw, sa Fiji at sa New Zealand.