Abante Tonite Interactive

Bong Revilla pumalag sa mga black propaganda

691

Kinastigo ni dating Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang nabuking na plano para isabotahe ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa May 13 midterm elections.

Ito’y matapos matuklasan ng partido ang mga kumakalat na sample ballot na hinihimok ang mga botante na iboto ang lahat ng kandidatong Hugpong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek.

“Alam naman nating lahat na isa itong ma­laking kalokohan dahil mababalewala ang boto kapag nilagyan ng tsek ang bilog dahil dapat ay punuan ito ng kulay itim,” himutok ni Revilla.

Sa mga intelektuwal na botante aniya ay hindi papasa ang ganitong klase ng propaganda ngunit sa mga liblib na lugar, sa 10 botante na makakabasa nito ay posibleng may isa o dalawang maniniwala o malilito na kapag nagsama-sama ay isang malaking epekto sa hanay ng HNP.

Napag-alaman na ang nasa likod ng paninirang ito ay ang mga taong ayaw manalo si Sen. Bong dahil malaking kahihiyan ang aabutin nila sakaling mabalik sa Senado ang masipag na Senador.

“Isipin n’yo, ilang grupo na ng troll ang nadiskubre na binabayaran para wasakin lamang si Sen. Bong sa social media at ngayon napakarami pang bagong estratehiya para lituhin ang mga supporter nito,” dagdag ni Revilla.