Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong sabik kay Kiefer

0 127

Clark Smart Giga City – Nasa iisang hotel lang sina coach Bong Ravena at Kiefer Ravena, pero sa higit dalawang linggo sa loob ng Clark bubble ay hindi pa nagkikita ang mag-ama.

Kanya-kanyang schedule ang dalawa – si coach Bong sa TNT Tropang Giga, si Kiefer sa NLEX.

Hindi nga sila magkatiyempuhan sa Quest Hotel.

“Dito ‘di kami nagkikita. Nami-miss ko na nga rin siya,” wika ni coach Bong.

Kahit sa AUF Sports Arena and Cultural Center powered by Smart 5G na venue ng laro at practice, hindi sila magkasalubong.

“Once in a while, tinatawagan ko siya. Nagba-Viber kami,” dagdag ng ama ng basketbolista.

Ganito rin ang sitwasyon ng isa pang miyembro ng Ravena family – si Thirdy na ngayong araw ay tutulak na pa-Japan para maglaro sa San-en NeoPhoenix sa Japan B League.

Masayang malungkot ang pamilya para kay Thirdy.

“Happy na makakaalis na siya, makakalaro na. Sad at the same time na malayo siya sa amin, andito kami ni Kief,” paliwanag ng coach. “Buti na lang may internet.”

Hindi aniya naka-bubble ang mga laro sa B League.

“Pero for sure, he will be quarantined (pagdating),” aniya.

Kumubra ng back-to-back wins ang Tropang Giga, pinaghahandaan naman ang showdown kontra karibal na San Miguel Beer bukas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.