Abante Tonite Interactive

Bong, umaasam pa rin na makapagpiyansa

By
Bong Revilla
6

POSITIBO ang reaksyon ng pamilya ni Sen. Bong Revilla sa desisyon ng Supreme Court na hindi nila kinatigan ang isinumite nilang dismissal ng kaso.

Nag-post ang Vice Go­vernor Jolo Revilla sa Instagram ng, “Dear God, I may not understand why ­everything is happening in my life right now, but I just wanted to say I trust you and I love you.”

Maluwag daw na tinanggap ni Sen. Bong ang desisyon ng korte, at alam daw niyang nangyayari ito dahil may ibang plano ang Panginoon sa kanyang buhay.

Nilinaw din ng kampo ni Sen. Bong na ang dismissal ang ibinasura ng ­Supreme Court.

Dinidinig pa rin daw ang ­request nilang makapag-bail. ­Umaasam ­silang mapagbigyan ­sila rito.

Patuloy lang daw sila sa pagda­rasal na malagpasan nila ito at magaan nilang tanggapin ang kung ano man ang ­desisyon ng korte.

Naniniwala silang sa tamang panahon ay lulutang ang buong katotohanan.