Abante Tonite Interactive

Bong walang paki sa bagong dyowa ni Jolo

335

tonite-pak-allan-dionesKahapon sa pa-Chinese New Year lunch niya for the showbiz press ay inusisa namin si Se­nator Bong Revilla kung anong reaksyon niya nang ma-meet niya ang rumored new girlfriend ni Jolo Revilla.

Natatawang lumayo sa amin ang guwapong actor-politician at sinabing wala siyang alam tungkol doon.

Hirit namin sa kanya, hindi niya made-deny dahil may picture sila roon sa birthday kamakailan ni Gabriel na anak ni Jolo, na kasama nila ang bagong girl na nali-link ngayon kay Jolo.

Abante Hiring – IT dep

So, anong masasabi niya sa beauty queen na si Angelica Alita na new girlfriend daw ni Jolo?

“Ikaw talaga, wala akong alam,” napapangiting dayalog sa amin ni Sen. Bong.

“Hindi, siguro kung saan siya masaya, ayun!” dugtong niya na bitin pa rin.

Ano ngang dating sa kanya ni Angelica na 1st runner-up sa Bb. Pilipinas 2016?

“Ikaw, ayaw mo talaga akong tigilan. Ayoko ngang makialam. Ha! Ha! Ha! Nanay, nanay…” paiwas pa ring sagot sa amin ni Bong, na biglang iniharap sa amin ang manager niyang si Tita Lolit Solis para ito ang sumagot para sa kanya.

“Ikaw talaga! Bakit?! Siyempre Jodi (Sta. Maria) ako, ‘no! ‘Yun ang bagay kay Jolo, ‘no!” tili ni Tita Lolit.

Si Sen. Bong kaya, Team Jodi rin?

“Ayokong makialam. Ako, Lani (Mercado), Lani ako! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ng Titanic Action Star.

In fairness, mukhang happy na ulit si Jolo at tila naka-move on na from Jodi…

“Hindi, kung saan siya masaya, doon ako. Ma-Jodi or whoe­ver, ‘di ba?” ani Bong.

But since ipinakilala na nga sa kanila ni Jolo si Angelica at kasama pa nito sa birthday ni Gab, ibig sabihin ay seryoso ito sa bago nitong girl?

“Alam mo, mahirap makialam sa pag-ibig, ‘di ba? Nasa hustong edad na siya. Tulad mo, kumusta ang lovelife mo?!” tatawa-tawang buwelta sa amin ng palabirong aktor na nami-miss na raw ang showbiz.

O sige, ano na lang plano nila ng wifey niyang si Mayora Lani Mercado sa darating na Valentine’s?

“Manonood kami ng concert sa mismong February 14, malalaman ko mamaya kung anong concert. Tapos, family dinner.”

Meron ba siyang gift kay Ms. Lani ‘pag mga ganu’ng okasyon?

“Pag-ibig. Pag-ibig na walang hanggan na hindi kayang tapatan ng anumang bagay,” buong ningning na sagot sa amin ni Sen. Bong, na masaya raw dahil hindi siya bumababa sa #7 o #8 sa mga survey ng senatoriables.

Si Tita Lolit ay may hu­ling hirit pa sa amin na, “Ang gustong kong mapangasawa ni Jolo, parang si Lani. Matiisin, mabuting asawa. Eh si Alita, mukha namang hindi, ‘no!”

Aray koh! Kalerky!! Ha! Ha! Ha!
***

Enchong bakat ang ‘utak’ sa skimpy short

Tama lang na magsipag sa pagpo-promote si Enchong Dee ng pelikulang “Elise” dahil siya talaga ang bida sa pre-Valentine movie ng Regal Entertainment.

Pinatunayan ni Janine Gutierrez na love niya talaga ang friend niyang si Enchong at ang Regal Films dahil pumayag siya kahit parang suporta lang siya rito, even though ‘yung karakter niya ang nasa title.

Si Elise ang one great love ng karakter ni Enchong na si Bert mula pa nu’ng mga bata sila. Ilang taon din ang binilang ng love story nila na nagsimula nu’ng dekada otsenta.

Mae-enjoy mo ang pelikula lalo na kung masasakyan mo ang kakatawang humor ng direktor nitong si Joel Ferrer (nagdirek ng co­medy movie na “Woke Up Like This” nina Lovi Poe at Vhong Navarro).

Parang binuhay muli rito ng bibang bagets na si Miel Espinosa ang role niya sa Cinemalaya 2018 entry na “Pan de Salawal,” na si Enchong naman ang kakulitan niya at kabatuhan ng mga punchline.

Ang komedyanteng si Victor Anastacio na sidekick dito ni Enchong ay ang hilig mag­hubad at nakailang beses na underwear lang ang suot.

Sana si Enchong na lang ang may eksenang naka-brief lang, although may sinuot siyang skimpy shorts na sabi niya ay bakat ang kanyang ‘utak.’

May kissing scene sina Janine at Enchong at may lambingan moment na papunta na dapat sa love scene.

Ang naka-bed scene ni Enchong ay si Miss World-Philippines 2017 Laura Lehman, na in fairness ay ang ganda ng exposure dito bilang nurse na nobya ni Enchong sa probinsiya.

Bale Chinese New Year offering din ng Regal ang romcom na “Elise” na ngayon ang opening sa mga sinehan nationwide.