Bongbong ‘di kumbinsido sa PSA inflation report

Hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa naitalang 6.1% inflation rate sa bansa ngayong buwan ng Hulyo.
Sa kanyang kauna-unahang press briefing kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi siya naniniwala sa mataas na numerong inilabas ng Philippine Statistics Office (PSA).

Hindi lamang aniya ang Pilipinas ang nakakaranas ng inflation kundi lahat ng mga bansa subalit hindi aniya mataas ang inflation sa bansa.
“The inflation rate is a problem not only in the Philippines but everywhere. Our inflation rate, 6.1, I think I will have to disagree with that number. We are not that high. We have crossed our targets, where less 4% or less, unfortunately looks like we may crossed that threshold. Tatawid tayo sa 4% that’s why again, we have to think about interest rate levels,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)