Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bongbong nagdeklara na tatakbo bago hatol ng SC

0 58

Desidido na talaga tumakbo sa 2022 national election si dating senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. kahit hindi pa man inihahayag ng Supreme Court (SC) bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang desisyon nito hinggil sa protestang inihain ng una laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa panayam ng `Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, inihayag ni Marcos na hindi siya magreretiro sa politika at paniguradong tatakbo sa susunod na eleksyon.

“Magiging kandidato pa rin ako. Hindi ako magre-retire sa public life. Ang habol ko talaga kung ano ang aking magagawa para makatulong,” aniya pa.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa tiyak ni Marcos kung anong posisyon ang kanyang posibleng takbuhan sa 2022.

Samantala, ikinatuwa rin Marcos matapos siyang pumuwesto sa ikalawang spot sa presidential survey ng Pulse Asia.

Sa naturang survey, ikalawa si Marcos kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.