Abante Tonite Interactive

Bongbong nganga sa balik-Cabinet ni VP Leni

0 474

Tila sinampal si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga positibong komento ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo kay Vice President Leni Rob­redo matapos nitong tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Diin ni Panelo sa press confe­rence sa Malacañang, si VP Robredo na ang magiging ‘boss’ at masusunod sa mga nais nitong gawin sa paglutas sa problema ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Panelo, dahil si Rob­redo na ang drug czar, maaari nitong gawin ang gustong ipatupad para sa ikatatagumpay ng kampan­ya kontra iligal na droga, pati na ang posibilidad na magpatupad ng mga pagbabago, gaya halimbawa ng pagsuspinde ng drug operations.

“She’s now the drug czar, then she can do what she wants. It will be her method of stopping, eliminating the illegal drug menace of this country.
She will be on top of the situation, campaign against illegal drug trafficking in this country. There are laws for that. Ikaw na nga ang bossing eh. She’s the boss then she can do that,” ani ni Panelo.

Kinastigo naman ni Panelo ang mga kaalyado ni Robredo na nagsulsol na huwag tanggapin ang inalok na puwesto sa bise pre­sidente.

“‘Yung mga nagsasabi non, ayaw lang nilang magtagum­pay si VP leni. Ayaw nilang tanggapin ‘yun para magtagum­pay siya bilang isang public servant serving the people. But she proves to be smarter than them. I think the opposition is less smarter than the vice president. The vice president accepted it, she showed that she is smarter than her colleagues,” ayon sa kalihim.

Sinabi naman ni Senador Ro­nald ‘Bato’ dela Rosa na kailangang matigas si Robredo sa pangunguna niya sa giyera kontra droga. “War is not a bed of roses, hindi naman ito puwedeng pa-cute cute lang, ‘di naman puwedeng paboka-boka lang, aksiyon ito.”

Nagbigay naman ng tip si Senador Bong Go kay Robredo na huwag i-baby ang mga drug lord upang hindi ito dumami.

“We want you to succeed, kailangan natin patayin ang mga drug lord, tutulungan ka namin, basta i-save natin ang mga inosente. Kung ayaw nya, ibulong lang niya sa amin, ibulong mo sa amin, ma’am,” sabi ni Go.

Naiilang naman si Philippine Drug Enforcement Agency chief, Director General Aaron Aquino na maging katrabaho si Robredo. “Personally I cannot help but feel somehow awkward to have the highest elected official of the country as my co-chairman in ICAD.” (Aileen Taliping/Nancy Carvajal/Dindo Matining/Dolly Cabreza)