Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bongbong umamin nalugmok sa pagiging COVID positive

0 212

Inamin ni dating Senador Bongbong Marcos na ang pagtama ng COVID-19 sa kanya ang isa sa pinakamadilim na yugto sa kanyang buhay.

Lahad ni BBM sa ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, aabot sa 72 araw siyang nakulong sa kwarto habang hinihintay na gumaling sa naturang sakit.

Aniya, ilang karamdaman na ang dumaan sa kanyang buhay ngunit sa COVID-19 lang niya naramdaman na nasa bingit ang kanyang buhay.

“Never ko namang naramdaman na baka hindi ako gumaling, ngayon lang,” lahad ni Bongbong.

“Masama ‘yung pakiramdam ko, iniinom ko naman ‘yung gamot pero hindi ka makahinga, may oxygen ka… kaya may mental element eh, nade-depress ka,” aniya pa.

“Lahat na ng klaseng dasal… ‘yung tanong na, ‘Bakit mo ginagawa sa akin ito? Ano bang kasalanan [ko]? Ganoon ba ko kasamang tao na paparusahan mo ko ng ganito?'” sambit ng dating mambabatas.

Marso nang tamaan ng COVID-19 sa Marcos na kanyang nakuha sa Spain, at nakumpirma ang kanyang paggaling noong Mayo. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.