Abante Tonite Interactive

BONGGANG OPENING NI APL DE AP SA SEA GAMES

332

Tutulong ang primyadong rapper at multi-awarded singer-composer na si Apl de Ap sa pagpo-promote at pagbibigay ng kasiyahan sa mga lalahok sa gaganapin sa bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Allan Pineda Lindo sa tunay ang tunay na pangalan ng Filipino-Ame­rican rapper, singer at recording producer na kabilang sa Grammy Award-winning hip hop group na The Black Eyed Peas.

Mismong ang 44-anyos at sinilang sa Barangay Sapang Bato, Angeles City, ang humiling na maging pangunahing magpapasaya sa may 11,000 athletes, coaches at officials mula sa 11 bansa sa pagbubukas ng 12-day multi-sport meet sa Philippine Arena sa Bulacan.

Bunsod ito sa pakipag-usap ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation, Inc. (PFI) Chairman Alan Peter Cayetano sa mga world class music artist na may dugong Pilipino na magsama-sama sa unang pagkakataon at ipakita ang ta­lento ng mga Pilipino sa buong mundo.

Kalapit lang ang Angeles sa main hub ng biennial event na New Clark City sa Capas, Tarlac pati na rin sa Subic at Clark.

(Lito Oredo)