Abante Tonite Interactive

Bonifacio Shrine balik-alindog na

0 520

Balik- alindog na at wala ng tae sa paligid ng Bonifacio Shrine matapos na bombahin ng tubig at sabon ng mga tauhan ng Manila Department of Public Safety kahapon nang umaga sa Maynila.

Ayon kay Manila City engineer Armand Andres, may dalawang araw ng heavy flushing, sinabon, ginamitan ng bleaching pro-ducts at sinabuyan ng muriatic acid para tulyang matanggal ang panghi at amoy tae sa buong lugar.

Pininturahan rin ang iba pang rebulto sa lugar.

Habang sinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin ang isinasagawang paglilinis sa paligid ng Bonifacio Shrine na malamang na abutin ng hanggang kinagabihan para tuluyanng maibalik sa dating anyo.

Ayon kay Andres, naging kalunos lunos ang lugar na binaboy sa loob ng anim na taon kung saan tinayuan ng mga stalls, eateries at ginawa rin tirahan ng mga walang bahay.

Una nang na shocked si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nang tumambad sa kanya ang katakot takot na tae at natapakan pa na naging dahilan para uminit ang kanyang ulo at maipa relieve kay Manila Police District Director PBrig General Vic Da-nao sa tungkulin ang Lawton Police Community Precint commander na si Lt Rowel Robles.

‘Siguro may mga 100 piraso ng tae ang nakita ko sa paligid, ang baboy talaga. Ako, hindi maarte, pero grabe ang baboy talaga,’ ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na ipinatayo ang Bonifacio Shrine, bilangnpagdakila at pagbibigay-galang sa bayaning si Gat Andres Bonifacio, na ilang hakbang lamang sa tanggapan ng alkalde at masisilip mo pa sa bintana pero hindi niya maintindihan kung bakit pinayagan na mapabayaan. (Juliet de Loza-Cudia)