Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bonnet gang niratrat rider sa Laguna

0 277

Patay ang isang magsasaka na sakay ng motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ng apat na suspek sa Famy, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Jefferson Jamolin, na isa ring part time construction worker.

Batay sa report ng Famy Police, alas-8:30 Miyerkoles ng umaga, nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima patungo sa bayan ng Siniloan at kaangkas ang isang Felipe Gelua nang harangin ang mga ito ng apat na naka-bonnet na lalaki sa Brgy. Salang Bato.

Pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na agad namatay sa lugar dahil sa mga tama sa ulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman dinamay ng mga suspek ang backrider.

Agad ding tumakas ang mga suspek na sumakay sa isang itim na Honda Civic na may plate number na CJS 163.

Palaisipan sa pulisya ang motibo sa krimen dahil lumalabas sa pagsisiyasat na walang anumang masamang record ang biktima sa kanilang bayan at barangay.

Inaalam na rin kung sino ang mga suspek at ang may-ari ng sasakyan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.