Abante Tonite Interactive

Bono ng U2 ‘di makikipagkita kay Duterte

366

Kinikilala ng musician at human rights advocate na si Bono ng sikat na Irish rock band U2 ang kahalagahan ng malayang pamamahayag o press freedom.

Si Bono na matagal nang miyembro ng Amnesty International at nasa Pilipinas para sa kanilang kauna-unahang band concert sa Manila ay nagbigay ng kanyang opinyon matapos tanungin kaugnay sa press freedom sa bansa.

“My impression of the Philippines is [that it has] very caring, very sophisticated people. I understand that when progress is made, sometimes people make what they think are compromises for that progress,” ani Bono.

“And I would just say, you can’t compromise on human rights. That’s my soft message to President Duterte,” ayon pa sa singer.

“I have a very deep conviction about journalism. I probably would have been a journalist if I wasn’t a singer and the safety of journalists is very important, and I think a democracy requires free press,” dagdag pa ni Bono.

Nang tanungin si Bono kung may plano siyang bisitahin si Pangulong Rodrigo Duterte: “I’ve no plans,” sagot ni Bono, na Paul Hewson sa totoong buhay.

Sinabi rin ni Bono na napakapopular na ni Duterte kaya hindi na nito kailangan ang kanyang panig.

“I find some journalists to be a total pain in the arse, but I’m really glad they’re there,” dahilan para magkatawanan ang mga audience sa Philippine Red Cross (PRC) headquarters kung saan nakipag-partner ang Zipline kung siya siya tumatayong board members sa PRC para sa planong blood-by-drone delivery service sa bansa sa 2020.

Gaganapin ang kauna-unahang U2 concert ngayon sa Philippine Arena kung saan kasama nito ang iba pang miyembro ng banda na sina Adam Clayton sa bass, Larry Mullen Jr. sa drums, at The Edge sa lead guitar at keyboards. (Juliet de Loza-Cudia)