Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bontoc vice-mayor sapol din ng COVID

0 58

Mahigit isang linggo matapos ma-test na positibo sa coronavirus si Bontoc, Mountain Province Mayor Franklin Odsey, inanunsyo ni Vice Mayor Eusebio Kabluyen na nagpositibo rin siya sa disease.

Sa pahayag, sinabi ni Kabluyen na lumabas ang resulta ng kanyang test kahapon, January 24.

Pinayuhan niya ang mga nakasalamuha niya sa nakalipas na 14 araw na sumangguni sa Bontoc Municipal Health Office para sa kanilang isolation at contact tracing.

Matatandaang Enero 15 nang magpositibo rin si Mayor Odsey.

Kasalukuyang naka-lockdown ang Bontoc dahil sa outbreak ng COVID-19 at UK variant. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.