Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booba naghanap ng condom kay Ganda

0 76

Masaya ang naging bardagulan nina Vice Ganda at Ethel Booba sa kanilang unang collaboration sa vlog.

Sa simula pa lang ng vlog, pabirong itinatwa ni Vice na inaanak niya si Michaela, ang anak ni Ethel at ng mister nitong si Chef Jessie Salazar.

Aniya, wala raw siyang natatandaang naimbita siya nito sa binyag para magninang sa anak ni Ethel.

Inokray pa nito na bet pang pagkakitaan si Michaela dahil humigit-kumulang ay 200 ang mga ninong at ninang nito.

Sa vlog, ikinuwento rin ni Vice ang naranasan niya noon kay Ethel .Isa ito sa tinuturing niyang close friend sa showbiz.

May mga pagkakataon din daw na naghanap sa kanya ng condom si Ethel noong magkasama pa sila.

May insidente rin daw na tatawag sa kanya si Ethel dahil nasa presinto ito bunsod ng reklamo ng management na winasak ng huli ang elevator.

Pero in fairness, kahit isa sa pinakapasaway sa kanyang mga barkada noon, pinuri naman ng komedyante si Ethel dahil ito raw ay masinop, mapagkakatiwalaan at maabilidad.

Sa kaso naman ni Ethel, inilaglag nito ang mister na chef at sinabing alagain daw ito.

Kahit daw chef ito ay siya pa rin ang nagluluto sa kanilang bahay considering na nag-aalaga pa siya ng bata.

Pero aminado naman si Ethel na ang laki nang ipinagbago niya magmula nang magkapamilya siya.

Nawala raw ang kanyang bisyo tulad ng alak at sigarilyo dahil sa kanyang mister.

Feeling niya ay nagayuma siya nito dahil sa mga inihahanda ng chef ito tulad ng seafood diablo.

Hirit naman ni Vice, kung nasubukan na ni Ethel ang ‘tirang diablo.’

Ibinuking din ni Ethel na daks ang esposo at aniyaý hindi raw siya iyong tipong makukuntento sa dyutay.

Ito rin daw ang weapon ng asawa na type niyang balik-balikan

Hindi rin daw nila naisip na mag-condom nang gawin nila si Michaela.

Mula rin daw nang magka-pamilya siya ay nagkaroon siya ng bagong inspiration at purpose sa buhay.Lalo na’t may anghel na siyang inaalagaan ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.