Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boobay saksi sa lungkot ni Tekla

0 316

Kinuha namin ang reaksyon ni Boobay sa isyung kinasasangkutan ni Super Tekla sa kanyang live in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. kamakailan ay nagsumbong ito sa Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo.

Ani Boobay na co-host niya sa “ The Boobay & Tekla Show” | “Masasabi ko lang po ay ang tanging hiling na sana ay malagpasan po ito ni Tekla, napaka propesyonal po niya.

“Naitawid pa rin nya ang taping namin kahapon (Tuesday) bagamat kita na po namin ang lungkot nya sa ginawa ni Michelle na pagpapa -Tulfo sa kanya,” saad ni Boobay nang makatsikahan namin sa Facebook messenger.

Kahit ang mga netizen ay malawak ang pang-unawa sa situwasyon ni Super Tekla.

@Dew Francess Tindog,”THERE ARE ALWAYS TWO (2) SIDES TO EVERY STORY. Hindi pa nga naririnig ang istorya ni Tekla hinuhusgahan na. Huwag ganyan, dahil lahat tayo ay dumadaan sa pagsubok ng ating buhay. Iba’t ibang klase nga lang. Imbes na payuhan natin na ayusin nya ang gusot sa loob ng kanyang pamilya, lalo natin siyang nilulubog sa kumunoy.
“Noong panahon na pinapatawa n’ya tayo, IDOL natin s’ya. Ngayon naman na may kontrobersya s’ya, lalaitin natin agad ang pagkatao n’ya.”

@Nina Cristina Florentino Villota, “ Go tekla sna malagpasan mo ung problema mo at lagi k pray ky papa Jesus.”

Ayon pa sa isang Facebook user, “d ako fan,pero napapasaya mu ako sa lahat ng vlogs nu ni donita nkakawala ng stress? ano man ang balita tungkol sayo,wla kme alam tungkol sa kwento ng buhay nu mag asawa,kayo lang ang me alam kung ano ang totoo, sa buhay mag asawa dumarating ang madami problema,pero sa ngayon kase parang nasanay na sa tulfo lahat kaya nkaka sad? dpo kita huhusgahan dahil lang sa pangit na balita tungkol sayo, sabi nga sa eat bulaga bawal judge mental? at lahat ng tao me bad sides wla po perpekto,nde porke sinabi ng tao na ganun ka eh dapat hushagan kana or laitin kna buong pagkatao mu,nkakalungkot lang pag magbabasa ka ng comment na sobra panlalait,iisipin mu ano ba ang kaibahan nila sa masasang sinasabi nila sa taong d muna nila hinayaan magsalita?? ano man problema haharapin nu mag asawa ,tandaan nu lahat ng yan lilipas din at mas unahin nu isipin ang anak nu kesa sa personal nu galit sa isat isa…pakatatag lang po at wag mag pa apekto sa mga basher? wla naman po sila matutulong sa buhay nu..”

Leave A Reply

Your email address will not be published.