Abante Tonite Interactive

Boobs ‘di pantay:Barbie laglag sa ‘Darna’

0 1,122

Naaliw kami sa kuwento ni Barbie Imperial nang tanungin namin kung nag-audition ba siya para sa “Darna” movie.

Ang tsika sa amin ni Barbie, pina-audition daw siya, kaya lang ay hindi raw pantay ang boobey niya.

Eh medyo importante nga naman ang boobs bilang mala-bra at bikini ang sexy costume ni Darna.

“Hindi talaga pantay, eh!” pakli ni Barbie.

Eh, puwede namang ayusin ‘yon, ‘di ba?

“Ayoko. I mean, no-thing against naman sa mga nagpapagawa (ng boobs), pero okey na ako,” sey ng 20-anyos na Kapamilya actress.

Siyempre, hindi raw siya aayaw na maging Darna pero alam daw niyang malaking responsibility ito at matagal ang preparations, hindi basta salang agad.

Kung pababalikin daw siya para mag-audition ulit ay go raw siya. But actually, ang gusto niya raw talaga ay maging Va-lentina kesa mag-Darna.
Hindi ba siya takot sa ahas?

“Siguro hindi naman totoong ahas, ‘di ba? Pero go lang. Sanay ako sa ahas! Ayyy!!! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Nang usisain namin kung sinong nang-ahas sa kanya ay napatili na naman siya at hindi sinagot ang tanong namin.
***

Anne matrona ni A

Panay ang iwas ni Marco Gumabao at ayaw magbigay ng spoiler tungkol sa movie nila ni Anne Curtis na “Just A Stranger.”

Nag-shoot sila sa Portugal, pero mas marami raw silang shoot dito sa Manila. Ayaw niyang magkuwento dahil hindi pa raw puwede, basta younger than his usual age daw ang karakter niya sa pelikula.

So, mala-cougar ang dating ni Anne, ganern? Safe na naman ang sagot ni Marco at wait na lang daw namin ang trailer.

Pinaghandaan niya raw ang project nila ni Anne kaya wagas ang mga pa-six-
pack niya sa shoot nila sa Lisbon.

Ito raw ang biggest role niya sa big screen, na si Anne ulit ang kasama
niya pero leading man na ang peg niya, unlike sa una nilang movie na “Aurora” na support lang siya.

“Anne is really sobrang bait niya, wala akong masabi sa kanya. She’s a perfect… parang I couldn’t ask for anyone else na makasama rito sa movie.
“Sobrang bait niya, sobrang perfect niya na siya ‘yung nakasama ko. That’s why super thankful ako sa Viva and of course kay Anne na ako ‘yung pinili nila to do this,” sey ng hunkylicious na binata.

Tumanggi ring i-reveal ni Marco kung marami silang intimate scenes ni Anne sa “Just A Stranger” dahil baka raw mapagalitan siya.

Ang ganda raw sa Portugal, pero wala raw siyang na-meet na girls doon at good boy daw siya, panay lang ang inom niya ng red wine kasama ng co-stars niya.
***

Nagkasakitan sa takilya

Hindi bet ni Sharon Cuneta ang pagbabanggaan sa takilya ng pelikula niyang “Kuwaresma” at ng pelikula ng anak-anakan niyang si Julia Barretto, pero walang magagawa ang Megastar.

Ang dami-dami nga namang playdate ay bakit kailangan pang magkasakitan sa box-office?

Naging baby-baby ni Shawie si Julia nang magsama sila sa hit movie na “Unexpectedly Yours” with Robin Padilla and Joshua Garcia.

Wish niya na tangkilikin pa rin ang mga pelikulang Pilipino dahil magkaiba naman ang genre ng mga pelikula nila.

Medy nagkasunod-sunod lang ang horror movies lately, pero sana ay panoorin pa rin ‘yung kay Sharon dahil hindi kagandahan ang resulta ng huling pelikula niya with Richard Gomez and Kathryn Bernardo.

Ang sipag mag-promote ni Shawie ng “Kuwaresma” at in fairness ay mukhang promising ang unang pagsasama nila ni Direk Erik Matti, na mukhang kinarir ang mga katatakutan sa pelikula.

Sana ay hindi manguwaresma kundi mangarisma sa takilya ang horror movie ni Mega!