Abante Tonite Interactive

Boobs ni Sharon nilait

0 586

Ni Ronaline Avecilla

Blooming si Sharon Cuneta ngayon lalo na at malaki ang ipinapayat niya. Sa kanyang latest photo sa Instagram ay looking young si Megastar.

Ayon pa kay Ate Shawie, 7lbs. na lang umano ang kulang para ma-achieve niya na ang nais niyang timbang.

Samantala, isang netizen naman ang pumuna sa itsura niya.

“You should wear a push up bra. It doesn’t look good. It looks saggy,” ani netizen patungkol sa dibdib niya.

Mabuti na lamang at kalmado lang nai-handle ni Mega ang netizen kahit medyo nakaka-offend ang ganitong pamumuna.

Proud na tugon ni Shawie, “Not bad. Considering I wasn’t wearing a bra here. Hehehe.”

Talagang ready na ang batikang aktres lalo na at gaganap siya sa kauna-una­han niyang horror film na “Kuwaresma.”