Abante Tonite Interactive

Boobsy hinipuan, bosero yumuko pa sa ilalim ng palda

622

Inaresto ang isang lalaki nang dalawang beses nitong himasin ang malulusog na ­dibdib ng isang dalagita at silipan pa ang biktima gamit ang ilaw ng cellphone ­habang ito ay nakatayo, nakapalda at naghihintay ng masasakyan sa Barangay Longos, Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Sa report ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapu, Malolos City police chief, nakilala ang suspek na si Nel Fajardo y Orence, nasa hustong gulang, na nahaharap ngayon sa kasong act of lasciviousness makaraang hipuin ang dibdib ng menor de edad na biktima na itinago sa pangalang “Gel”, estudyante.

Kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente. Habang naghihintay ng dyip si Gel ay dalawang beses hinimas ng suspek ang kanyang dibdib. Sa takot at walang mapagsumbungan ay hindi muna kumibo ang biktima.

Hindi pa nasiyahan ang suspek, mula sa likod ay muli niyang nilapitan ang biktimang nakapalda. Yumuko ito at gamit ang ilaw ng kanyang cellphone ay sinilip nito ang ilalim ng palda ng biktima na labis na nagulat.

Nang makasakay ng dyip ay humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na mabilis namang rumesponde kaya nadakip at nakapiit na ngayon ang suspek. (Jun ­Borlongan)