Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Paul lakas mambasag

0 99

BINASAG ng Phoenix tandem nina Chris Paul at Devin Booker ang record sa NBA Finals nina Golden State duo Stephen Curry at Klay Thompson.

Sa first two games na parehong kinubra ng Suns, umiskor sina Booker at Paul ng pinagsamang 113 points kontra Milwaukee Bucks.

Sila na ang may pinakamaraming puntos na starting backcourt sa dalawang Finals games sa huling 50 seasons.

Ang dating record ay 106 nina Splash Brothers Curry at Thompson sa first two games ng four-game sweep kay LeBron James at Cleveland noong 2018, ayon sa NBA History.

SM food to go Banner Ad

Pangatlong team lang din sa kasaysayan ng NBA ang Suns na nagbaon ng 20 o higit pang 3-pointers sa isang NBA Finals game pagkatapos ng 2019 Warriors at 2017 Cavaliers, base sa StatMuse.

Bawat galaw ni Bucks two-time MVP Giannis Antetokounmpo, may sagot ang Suns.

Bitbit ng Phoenix ang 2-0 lead na dadayo ng Milwaukee para sa susunod na dalawang laro, una ang kritikal na Game 3 sa Lunes (araw sa Manila). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.