Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker pikon-talo sa Toronto mascot

0 37

Alaskado sa Pacers fans si Devin Booker pagdayo ng Phoenix Suns sa Indiana nitong Biyernes.

Isang fan na naka-costume ng dinosaur ang lumutang sa Gainbridge Fieldhouse sa Indianapolis, nagpakita kay Booker sa warm-ups.

Sa player introductions, pagtawag sa pangalan ni Booker ay pinatugtog naman ang theme song ng Jurassic Park.

Kaagahan ng linggo, maraming nag-troll kay Booker sa ginawa nito kay The Raptor, ang mascot ng Toronto.

Walang tao sa ScotiaBank Arena, ini-ensayo ni Booker ang kanyang free throws nang magreklamo dahil ginugulo daw siya ng mascot. Lumayo si The Raptors sa hindi nakikita ng Suns star.

SM food to go Banner Ad

Bibihira ang player na nakikipag-away sa mascot, kahit kalaban pa.

Ginawang profile pic ni Booker sa Twitter ang larawan ni The Raptor, at vice versa.

Sa Indiana, umiskor si Booker ng 35 para ihatid ang Phoenix (32-9) sa 112-94 panalo. Nag-ambag si Deandre Ayton ng 27 points at 12 rebounds, may 12 points at 9 assists si Chris Paul.

Nagliyab ng 22 points sa third quarter si Booker, sinindihan ang 23-2 run mula third patawid ng fourth para umabante 96-78.

Bumida ang 25 points ni Justin Holiday sa Pacers, may 20 si Caris LeVert. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.