Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker sinalo foul trouble ni Ayton

0 41

Naalagaan ni center DeAndre Ayton ang kanyang foul trouble, pero si Phoenix star Devin Booker naman ang namroblema sa Game 4 ng 2020-21 NBA Finals nitong Miyerkoles sa Milwaukee.

Sinuwag ng Bucks ang 109-103 win para ibuhol sa 2-2 ang series. Napuwersa sa race-to-three, balik sa Phoenix ang Game 5 sa Linggo (araw sa Manila).

Humaharabas na si Booker bago pinigil ng foul at hindi nakapagpundar ng mas malaki-laking lead sa second half ang Suns.

Tumapos si Booker ng 42 points, tinapatan ang 40 ni Khris Middleton sa Bucks.

Nilista ng Suns guard ang 38 points niya sa first three quarter bago napituhan ng panlimang foul 1:10 pa lang ang nakakalipas sa fourth.

Nasa driver’s seat pa ang Phoenix, umagwat 85-76 sa 3-pointer ni Cameron John sa bukana ng final period bago naubusan.

Inalat din sina Ayton at Chris Paul.

Kumalawit si Ayton ng 17 rebounds at may 5 assists, pero diyeta sa 6 points. Napuwersa sa 5 turnovers si Paul na 5 of 13 sa field tungo sa 10 points at may 7 assists.

Naputol ang back-to-back 40-point games ni Giannis Antetokounmpo pero may 26 points, 14 rebounds at 8 assists pa rin. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.