Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Suns iwas-hukay

0 43

Nahaharap sa elimination ang Phoenix Suns, sa road game pa ngayong araw sa Milwaukee.

Obligadong manalo sina Devin Booker, Chris Paul at DeAndre Ayton para makapuwersa ng winner-take-all Game 7 sa Phoenix sa Biyernes (araw sa Manila).

Pagkatapos ng unang dalawang laro ng 75th NBA Finals, two wins away ang Suns para sa kauna-unahang Larry O’Brien Trophy. Makalipas ang limang laro, two wins away pa rin sila.

Bumawi ng tatlong sunod ang Bucks huli ang 123-119 win noong Game 5.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa pinanghihinaan ng loob ang Suns.

“I saw yesterday when we got on the plane, the guys had the same look in their eyes,” ani Phoenix coach Monty Williams. “When I came down this morning for meetings, guys were down there talking, having breakfast. It was pretty cool to watch.”

Kailangan ni Booker ng ayuda nang mas maaga. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.