Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Suns nilitson Hawks

0 187

Kumayod si Devin Booker ng 21 points, at ng tig-3 rebounds at assists nang silawin ng Phoenix Suns ang Atlata Hawks, 117-110, sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season game sa Talking Stick Resort Arena sa Arizona, Martes ng gabi.

Bumakas sa all-star guard si Dario Saric ng 20 markers, 5 boards at 2 feeds na nagkaloob sa Suns ng 32-14 win-loss slate, sinalya ang biktima sa 23-24.

Naghabol halos sa kabuuan ng game, tumambla sa 103-deadlock ang Hawks sa sinalpak na two free throws ni Trae Young, 3:31 sa gameclock.

Pero s huling 48.8 segundo, inilayo ni Deandre Ayton ang kalamangan ng Suns sa tip shot, 111-108.

“Everybody wants a pretty win,” sambit ni Suns coach Monty Williams. “I just want to win. You have to take them any way you get them.”

Namuno ang 22 pts. ni Bogdan Bogdanovic sa Atlanta. Naka-19 si Young. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.