Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Suns sinilaw Rockets

0 144

Kumalas sa dulo ng third patawid sa fourth ang Phoenix Suns na pamumuno ni Devin Booker para iwan ang Houston Rockets 123-111 sa 2021-22 NBA regular season game Huwebes ng gabi sa Talking Stick Resort Arena sa Arizona.

Tumipa ang 25-year-old, 6-foot-5 shooting guard ng 27 points, 9 rebounds at 5 assists, nagdagdag ng 19 off the bench si reserve Landry Shamet para angklahan ang scoring ng Suns na umangat sa 4-3 record.

Nagpakawala ng 13 assists si Chris Paul panahog sa 9 points, may tig-16 pa sina Mikal Bridges at Deandre Ayton na humablot pa ng 11 rebounds.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinindihan ng back-to-back blocks ni McGee ang rally sa dulo ng third tungo sa 93-86 lead papasok ng final period nang dumistansiya hanggang 15. Hindi na nakapalag ang Houston.

Ginasolinahan ng 20 points ni Kevin Porter Jr. ang Rockets na sumalampak sa 1-7.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.