Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Suns sinilaw Warriors

0 223

Lumabas si Devin Booker sa second quarter at hindi na bumalik, nagtulungan sina Deandre Ayton at Chris Paul para igapang ang 104-96 panalo ng Suns kontra ini-host na Golden State Warriors Martes ng gabi sa Phoenix.

Bago inabot ng hamstring injury, nakapagsumite si Booker ng 10 points, 2 rebounds sa 15 minutes.

Nilista ng Suns ang franchise-tying 17th straight win, inakbayan ang biktima sa 18-3 sa tuktok ng NBA at Western Conference standings.

Nambarako ng 24 points at 11 rebounds si Ayton na 11 of 19 sa floor, tumapos ng 15 points, 6 rebounds, 11 assists at 5 steals si Paul.

May tig-14 markers pa sina Jae Crowder at Cameron Johnson sa home team.

Nalimitahan sa 12 points mula 4 of 21 shooting at 3 for 14 sa 3s si Stephen Curry para sa Warriors na 14 for 40 lang mula long range.

Bumomba ng 28 points si Jordan Poole sa Golden State. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.