Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Suns tinibag Lakers

0 258

Sumakay ang Phoenix sa 30 points ni Devin Booker para idemolis ang Lakers 115-85 tungo sa 3-2 lead sa kanilang NBA West first-round series Martes.

Walang Anthony Davis, hindi kinayang balikating mag-isa ni LeBron James ang defending champion Los Angeles. Milya na sa unahan ang Suns, nilabas na si James pagkatapos ng 32 minutes sa loob na may 24 points, 5 rebounds at 7 assists.

Kulang 6 minutes pa sa laro, pumasok na ng locker si LeBron.

Sa break pa lang, nangangamoy na ang talo ng Lakers nang matabunan 66-36. Katiting na 10 points lang ang kinaya ng LA sa second quarter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Day-to-day si Davis dahil sa groin strain na inabot sa Game 4, hindi pa sigurado kung makakalaro na sa Game 6 na babalik sa Staples Center sa California sa Biyernes (araw sa Manila).

Malamig na 29 of 84 lang mula sa field ang Lakers, na-bully sa paint 44-32 at natawagan ng 16 turnovers.

Sa kabila, may 43 of 94 field goals ang Suns. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.