Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booker, Williams resbak sa Game 4

0 38

Inalat si Devin Booker sa Game 3 ng NBA Finals, napulbos ang Phoenix Suns sa Bucks 120-100 sa Milwaukee.

Lamang pa ang Suns sa series 2-1, susubukang bumawi sa Game 4 sa Huwebes (araw sa Manila).

Malabnaw na 10 points lang ang kinaya ni Booker mula 3 of 14 shooting.

Hindi sigurado ang dahilan pero hanggang third quarter lang lumaro si Booker. Buong 12 minutes ng fourth, nasa bench na siya.

Pumasok ng final period na iwan sa 98-76 ang Phoenix, mukhang isinuko na ni coach Monty Williams ang laban, hindi na binunot ang kanyang star guard.

SM food to go Banner Ad

Nakita pa si Monty na akbay-akbay sa bench si Booker, kinakausap.

“Just normal stuff,” sagot ni Williams nang matanong sa postgame kung ano ang pinag-usapan nila. “This is one of those games where you’d typically say in NBA speak, ‘Just flush it.’ But you can’t in the Finals.”

Umiwas din si Booker.

“I don’t mean to be like that, but that’s between me and coach,” aniya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.