Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booster sa edad 12-17 kinasa ng DOH

0 119

Hiniling ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na amiyendahan ang emergency use authorization (EUA) ng mga bakuna kontra COVID-19 para mabigyan ng pang-apat na dose ang mga priority poluation at booster shot naman sa kabataang edad 12 hanggang 17.

“Tayo po ay nagsumite na ng request sa FDA for the EUA to be amended for this fourth dose at kasama ito pong booster shot for 12 to 17 years old,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press conference.

Sa sandaling mag-isyu aniya ng bagong EUA ang FDA ay ipadadala ito sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa ebalwasyon.

Kapag nakumpleto na umano ang proseso, maaari nang makagawa ang DOH ng mga panuntunan para sa implementasyon nang pagbibigay ng pang-apat na turok ng COVID bakuna sa mga priority population at booster shot sa edad 12-17. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.