Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Booster shot 3 buwan makalipas second dose

0 220

Ikinokonsidera ni Department of Health ukunsidera ni Health Secretary Francisco Duque III, ang pagbibigay ng booster shot tatlong buwan matapos ang itinurong na pangalawang dose ng COVID-19 bakuna.

Ayon kay Duque, tinitingnan nila ito at magsusumite sila sa vaccine expert panel para malaman kung ano ang bentahe ng pagbibigay ng mas maagang booster shot sa halip na hintayin pa ang anim na buwan matapos ang pangalawang turok ng bakuna.

Aalamin kung magkakaroon ng mas mataas na proteksiyon kung maagang ibibigay ang booster shot.

Nabatid na sa Pilipinas, ibinibigay ang booster shot anim na buwan matapos ang pangalawang turok ng bakuna kontra coronavirus. Tanging sa Janssen single-shot vaccine maaring ibigay ang booster shot ng tatlong buwan matapos na mabakunahan.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.