Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boracay balik operasyon sa Oct 1 – Sec Berna

0 82

Ibinalita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na simula October 1 ay puwede nang tumanggap ng turista mula sa iba’t ibang sulok ng bansa ang Boracay Island.

Bahagi aniya ito ng unti-unting pagbabalik ng domestic tourism.

Ayon kay Puyat, resulta ito ng special meeting ng Boracay Inter-Agency Task Force kung saan kasama niya sina Department of Environment and Natural Resources (DENR Secretary Roy Cimatu, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, at Aklan Governor Joeben Miraflores.

Sabi ni Puyat, magpapatupad sila ng “Test Before Travel” rule kung saan kailangang negatibo sa COVID-19 swab test ang isang turista bago pumunta sa Boracay.

Kailangan din aniyang sumailalim sa quarantine ang turista matapos ang swab test hanggang sa oras na bibiyahe na ito sa Boracay.

Dagdag pa ng kalihim, puwedeng bumisita sa Boracay maging mga edad 20 pababa at 61 pataas basta wala silang comorbidity o malalang health condition. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.