Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boracay casino babantayan sa COVID protocol

0 106

Kailangang sumunod sa mga pinatutupad na health at safety protocol para makapag-operate ang mga casino sa Boracay.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na payagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng casino operation sa Boracay.

“The President has given his go-signal allowing the operation of a casino in Boracay. Prior to the directive, casino establishments have not been operating in the island,” ani Roque.

Sa pagbubukas ng casino, sinabi ng kalihim na kinakailang sundin ang mga paghihigpit at safety health protocols at hindi dapat na payagan ang mga menor de edad sa pasugalan.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.