Abante Tonite Interactive

Boracay ‘di naka – lockdown

427

Nilinaw ng Malay local government unit (LGU) na hindi naka-lockdown ang Boracay island.

Ito ay makaraang lumabas ang mga report na naka-lockdown ang isla matapos na isang doctor at 2 senior citizen ang umano’y nagpositibo sa Boracay .

Itinuwid din ng LGU na ang ospital sa isla ay ang Ciriaco H. Tirol Hospital at hindi Boracay District Hospital at ang acting municipal mayor ay si Frolibar S. Bautista at hindi si Dinky Romano, ayon sa Malay LGU.

Sa pinakahuling report ng Department of Health-Center for Health Development 6 na sa Western Visayas ay may 16 kumpirmadong kaso ng COVID.

Sa tatlong COVID positive sa Aklan na na-nareport noong Marso 27, isa ang galing Malay habang 2 ay mula sa munisipalidad ng Libacao and Kalibo. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad